Pananghoy Ng Pag-ibig

Ano ang kahulungan ng pag-ibig?
kung minsan masarap ang pakiramdam
yun bang ayaw mo ng matapos ang araw
hindi alintana ang mawalay sa isa’t-isa.

Pag-ibig, mapag-imbot at mapaglaro
panandalian na ligaya ang ipapahiram,
pagbagsak ng bulalakaw sa kalangitan
lumagapak sa lupa hindi mo namalayan.

Ang ating sumpaan sa bula naisulat,
sa pagputok nito kasamang naglaho
pangarap na magsasama habangbuhay,
hibang ang aking mga ngiti
ang ulirat ay naisama sa lumbay.

Ang mga ala-ala may hapis ng lungkot
hindi mawari kung paano
haharap sa bukas ng kawalan,
ang kuyom kung palad ay gustong
humampas sa pader ng kawalan.

Wagas ang ating pagmamahalan
ngunit kisap mata ikaw ay naglaho
tinatakasan ang pag-ibig na lumipas
binalutan ng lungkot ang saya
paano ko itatawid ang aking bukas?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s